LOVER TINANGKANG TARAKAN NG SELOSONG LOLO

saksakan

BULACAN – SWAK sa kulungan ang 64-anyos na senior citizen makaraang habulin ng saksak ang kanyang kinakasama na nakahingi ng tulong sa awtoridad sa Brgy. Mojon, Malolos.

Base sa report ni P/Lt.Col. Jacquiline Puapu, Malolos City police chief, kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si Tirso De Leon ng nasabing barangay.

Nabatid na kamakalawa nang komprontahin ng suspek ang kanyang live-in partner  na si alyas Vicky, 40-anyos,  dahil nabalitaan nitong may karelasyong ibang lalaki kaya nagtalo  sila hanggang biglang bunutin ng suspek ang kanyang patalim at tinangkang saksakin ang kinakasama ngunit nagawang makaiwas at makatakbo ng biktima saka nagsumbong kaagad ito sa awtoridad.

Nakagresponde ang Malolos City police kaya naaresto ang matandang suspek na kusa namang sumama sa awtoridad at nahaharap ito ngayon sa kasong kriminal. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.