PAGKATAPOS maging cover na magkasama sa isang fashion magazine sina Lovi Poe at Heart Evangelista ay isang true friendship ang nabuo sa pagitan ng dalawa. Ngayon na buntis na si Heart Evangelista ay buong pagmamahal na binigyan ito ni Lovi ng isang box ng chocolates at nag-iwan ng maiksing note. Isang simpleng gesture pero punong-puno ng damdamin ang ginawa ni Lovi Poe para sa best friend niyang si Heart Evangelista.
Para i-celebrate ang pagdadalantao ni Heart, nilagay ni Lovi ang mensaheng, “Heart, this journey will be much better with some chocolates. I’m with you every step of the way.”
JULIE ANNE SAN JOSE PEG SI RACHELLE ANN GO
PAGDATING sa kanyang singing career, aminado ang bida ng pinakabagong teleserye ng Siyete na “My Guitar Princess” na si Julie Anne San Jose na isa sa pangarap niya ang maging isang musical theater performer.
Kaya nga hindi pinalagpas ni Julie Anne ang pagkakataon na mapanood ang isang musical stage play na ‘The Lion King the Musical’. Pinahanga ni Julie Anne San Jose ang cast ng The Lion King nang maki-jamming ito sa kantang ‘Can You Feel The Love Tonight.’ Itinayo ni Julie ang bandera ng bansa sa pag-represent niya sa talento ng mga Pilipino at hindi niya tayo binigo!
Bagay na bagay ang malamig niyang boses sa kanta, at kahit ang harmony nila ay walang-palya. Walang effort na ibinirit ni Julie ang classic song na ito, at masasabing puwedeng-puwede rin siyang sumabak sa teatro! Kapag nagkataon, siya na ang pangatlong Kapuso star na bibida sa theater kasunod nina Rachelle Ann Go at Aicelle Santos.
EDGAR ALLAN GUZMAN KONTRABIDA SA BAGONG TELESERYE
PAGKATAPOS ng “My Korean Jagiya” ay balik teleserye na ulit si Edgar Allan de Guzman sa Siyete, pasok si Edgar Allan sa “The Step Daughters” nina Megan Young at Katrina Halili. Lalabas bilang kapatid ni Mikael Daez pero mas kakampi sa panig ng mga nang-aapi kay Megan na girlfriend naman ni Mikael sa naturang teleserye. May pagka-mean ang role ni Edgar Allan. For sure ay lalong tataas ang ratings ng “The Step Daughters” sa pagpasok ni Edgar Allan. And speaking of Mikael, diretsahan inamin nito na walang wedding proposal na nangyari sa kanila ng gf na si Megan Young. Nagsimula ang tsikang proposal ng magpost si Mikael sa kanyang social media account ng litrato kung saan ay nakaluhod siya sa harapan ni Megan. Ani ng actor, napaluhod siya sa harap ng gf para batiin ito sa ginawa nilang pag-akyat sa bundok at matagumpay nilang narating ang tuktok. Sa pagpasok naman ni Edgar Allan sa show nila na “The Step Daughters” pahayag ni Mikael, masaya sila na makasama sa work si Edgar Allan at first time para kay Mikael na makatrabaho ang aktor.
Comments are closed.