SA kalagitnaan ng shooting ng balik-movie ni Jolo Revilla, ang “72 Hours” ay sumabog naman ang tsikang natuloy rin sa hiwalayan ang on and off relationship nina Jolo at Jodi Sta. Maria. At sa di inaasahang tsika ay bigla na lang bumuluga ang isyung may magandang pagtit-inginan ngayon sina Rhian Ramos at Jolo na magkasama sa naturang pelikula.
Kagagaling din lang ni Rhian sa break-up ng non-showbiz boypren niya kung kaya marami tuloy ang naghinalang sila na nga dahil parehong mend-ing their broken hearts. Sa kanyang social media account ay natatawang sinagot ni Jolo na friends lang sila ni Rhian at aminado siyang mahal pa rin niya ang dating syotang si Jodi.
Bukod pa sa tsika sa kanilang dalawa ni Rhian ay pasok din sa intriga ang dating relasyon nila ni Lovi Poe. Kung matatandaan ay naging magkarela-syon ang dalawa noong mga teenager pa sila. Kasama rin kasi si Lovi. Say nga ng bashers na naging malaking tulong ang pagsasama muli nila ni Lovi sa isang pelikula para makapag-move on. Ika nga, what are friends for. Sa katanungan kung anong sikreto nina Jolo at Lovi kung bakit naging solid pa rin ang kanilang pagiging magkaibigan kahit ex nila ang isa’t isa, ani ni Jolo, bago naman daw kasi naging sila ni Lovi ay naging close friend na muna sila at hindi nasira ang friendship na ‘yun kahit pa sabihin na ‘nasira’ ang kanilang love affair.
1 MILLION VIEWS AGAD SA DANCE CHALLENGE NI KYLINE ALCANTARA
TRENDING ngayon sa social media ang “In My Feelings” ‘Kiki Do You Love Me’ dance challenge, kung saan sa naturang trending video ay lumabas sa kotse ang isang girl at umindak sa kalye habang sumusunod sa kotse na umaandar, at hindi nagpahuli ang ilang Kapuso stars. Kabilang na diyan ang Ika-5 Utos star na si Klea Pineda at The Clash host na si Andre Paras. Hindi rin nagpatalbog si Diva Montelaba sa swabeng galawan.
Pero ang kabog na kabog ay ang video ng “Kambal, Karibal” actress na si Kyline Alcantara na umani agad ng 1 million views sa loob lamang ng 24 oras. Bongga ‘di ba? Sino kaya ang susunod na gagawa ng dance craze na ito?
MIKE TAN MAGIGING DADDY NA
MATAPOS ibahagi ang anniversary ng kanyang wedding proposal, ginulat naman ni Mike Tan ang netizens sa pag-post niya sa Instagram ng pic-ture niya habang yakap ang pregnant niyang asawa. Inulan naman ito ng congratulatory messages mula sa followers niya at kapwa artista.
Ayon sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” actor, “Children are gifts from the Lord; they are a reward from Him. — Psalm 127:3”. Excited na si Mike para sa bagong kabanata ng buhay nilang mag-asawa.
Comments are closed.