LOVI POE CHANGE TOPIC AGAD ‘PAGUSAP AN AY KASAL

LOVI POE

ISA si Lovi Poe sa mga sikat na­ting artista na pagdating sa usapang pagpapakasal sawallface boypren ay tila change topic agad, as in super tipid ng kanyang komento hinggil sa bagay na ito. Tulad na lang ngayon, na muli siyang nasa isang long distance relationship o LDR ay natanong kung ang kanyang US citizen boypren at isang movie producer na si Montgo­mery Blencowe na ba ang kanyang “the one”?

Simpleng hindi raw nila ito pinag-uusapan ng boypren sa ngayon. Kapwa ini-enjoy muna nila kung anuman ang mayroon sa relasyon nila ngayon at bago pa lang naman daw silang naging magdyowa.

Isa sa katangian na gustong-gusto ni Lovi sa bagong boypren ay ang pagiging open nito sa pagpapa-sexy ng young actress. Say pa ni Lovi, at dahil nasa movie industry rin ang boypren ay knows nito ang nature ng trabaho niya bat very supportive pa nga raw ito sa mga daring and sexy scene ni Lovi sa pelikula man o sa sexy pictorials.

Habang niluluto pa ang bagong teleseryeng gagawin ni Lovi sa Kapuso Network, na balita ay isang heavy drama series, ay lagare naman siya sa tatlong pelikula. Una sa “Latay” kasama si Allen Dizon, andiyan din ang “Hindi Tayo Puwede” nila nina Marco Gumabao at Tony Labrusca sa direksyon ni Joel Lamangan at ang ikatlong movie ay ‘yung sa kanila ni Zanjoe Marudo na kinunan pa sa bansang Italy, ang “Malaya” mula naman sa Dreamscape.

KYLINE ALCANTARA PINAIIWAS  NA MAKA-TITIGAN SI NORA AUNOR SA EKSENA

ISA sa labis na excited gawin na teleserye ni Kyline Alcantara ay ang bago niyang teleseryeng ginagawa ngayon sa Kapuso Network, ang “Bilangin Ang Bituin Sa Langit”, kung saan ay makakasama ni Kyline ang nag-iisang superstar ng bansa na si Nora Aunor.

Isang dream project ito para kay Kyline dahilan na rin sa makaka-eksena niya sa aktingan ang artistang labis niyang hinahangaan.

Ano kaya ang pag­hahanda ni Kyline para makatapat o makasabay sa isang eksena ang superstar. Sabi ni Kyline, biro daw sa kanya ng mga nakatrabaho na ni Ate Guy na hanggang maaari ay iwasan daw ni Kyline ang mga mata ni Nora. Knows naman ng industriya na mata pa lang ni Nora ay umaakting na.

Say naman ni Kyline, malabong mangyari na hindi niya makatitigan ang superstar sa mga eksena nila. Kung kaya pinaghandaan nang husto ni Kyline ang pagkakataon na magkakaroon sila ng aktingan sa mata lang.

Comments are closed.