LOVI POE HAPPY TO BE SINGLE

KUNG pagbabasehan ang mga larawan na pino-post ngayon ni Kapuso sexy actress na si Lovi Poe ay wallfacemakikitang masaya siya sa kanyang buhay single sa ngayon. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas ng mag-break sila ng kanyang non-showbiz foreigner boypren at para maka-move on ay travel abroad ang kanyang ginawa. Kahit sa paggawa ng movies ay lie low na muna ang byuti ni Lovi, maging sa telebisyon.

Sa ngayon ay wala pang balita kung ano ang susunod na gagawin na te­leserye ni Lovi pagkatapos ng kanyang “Da One That Got Away” isang taon na rin naman ang nakalilipas. Sa ngayon, ay nasa bakasyon pa rin si Lovi at nag-e-enjoy sa kanyang pananatili sa Los Angeles.

Out na muna si Lovi sa lovelife, nakatuon ang kanyang oras sa pagpapaganda ng kanyang katawan, kung kaya kahit nasa ibang bansa ay patuloy pa rin ang kanyang workout sa gym. Maraming nagulat sa pinost na larawan ni Lovi sa loob ng gym at kitang-kita ang kurba ng kanyang kaseksihan maging ang kanyang mga muscle.

Kaya hindi napigilan ng mga kapwa niya artista na mag-post ng kanilang komento ng paghanga sa pagbibigay ni Lovi ng oras para sa kanyang kalusugan at kaseksihan.

JASMINE CURTIS-SMITH MAS MAGALING UMARTE KAYSA SA KANYANG ATE ANNE

Jasmine Curtis-SmithKAHIT pa sabihin na ilang araw lang napanood si Jasmine Curtis-Smith sa teleseryeng “Sahaya” ay bumuhos naman ang mga papuri sa kanyang naging performance, bilang ina ni Bianca Umali bilang si Sahaya, sa naturang serye. Maging ang sariling kapatid na isang Kapamilya talent na si Anne Curtis ay nagbigay ng kanyang positibong opinion sa pag-arte ng kapatid, at nag-suggest pa nga sa pamunuan ng Kapuso Network na sana ay bigyan ang kapatid ng mas marami pang meaty roles para mailabas nito ang angking talent sa pag-arte.

Hindi rin maiwasan na makumpara silang magkapatid, at marami ang nagsasabing kahit baguhan pa lang si Jasmine kumpara sa tinagal ng kapatid na si Anne sa showbiz ay lutang na lutang na higit daw mas magaling umarte si Jasmine kaysa kay Anne.

Say naman ni Jasmine sa komentong ito na hindi raw sila nag-uusap o nagkukumparahan ng kanyang ate tuwing bonding time nila. Iba naman daw kasi ang kanyang ate, at hindi rin daw siya singer na tulad ni Anne na nakakapuno pa nga raw ng audience sa Araneta Coliseum.

Sa ngayon ay tutok na muna si Jasmine sa tatlong movies na kanyang ginagawa, isa na rito ang horror flick na “Maledicto” kasama si Tom Rodriguez.

Comments are closed.