LOVI POE INILANTAD NA ANG BF NA MATAGAL ITINAGO

lovi poe

INILANTAD na ni Lovi Poe ang foreigner boyfriend na matagal na niyang itinago at hotshotsinilihim sa publiko nang pumunta siya sa London.

Una ay ipinasilip muna ni Lovi sa kanyang photo posting  ang selfie shot niya na kuha sa isang mall.

“My  turn to wait,” ang say ni Lovi.

Sa likod ay makikita ang isang lalaking nakaupo sa isang mataas na bench at nagpapalinis ng sapatos. Ang naturang guy  rin ang nakasama ni Lovi sa larawan habang nasa bar kung saan kasama ang isang Hollywood  actor.

At sa latest update niya sa kanyang London trip ay inilantad na niya ang larawan ng foreigner boyfriend na kuha sa Royal Ascot, ang sosyal at pang-mayaman na horse racing event sa London.

Sa latest pose din ni Lovi  ay mistulang isa siyang duchess. Ang natu­rang guy rin ang dahilan kung kaya hindi napipirmi sa bansa si Lovi.

Wish ng kanyang followers at tagahanga na sana maging smooth ang relasyon niya sa foreigner boyfriend. At sana ay ma­ging tapat ang pag-mamahal na iukol sa kanya.

WISH NI MANOY EDDIE NA ISABOY ANG ABO SA MANILA BAY ‘DI NAPAGBIGYAN

MARAMI na ang naghihintay sa magiging resulta ng investigation sa nangyaring Manoyaksidente ni Eddie Garcia.

Tulad ng alam ng ilan, hindi napagbigyan ang wish ni Manoy Eddie na isaboy sa Manila Bay ang kanyang abo. Imposible raw kasi dahil kailangan pa ng permit mula sa Environmental agency.

Ganoon din daw ang gustong mangyari ng yumaong si Donna Villa na hindi rin nangyari dahil kailangan din daw ng permit.

Samantala,  pumasok  na sa investigasyon ang Occupational Safety and Health Center sa nangya­ring aksidente kay Manoy Eddie.

Kung pagbabasehan ang naging viral video na kung saan napatid si Manoy habang nasa taping ng ginagawang serye sa GMA 7, na Rosang Agimat na pagbibidahan sana ni Gabbi Garcia.

Ang OSHC ay nasa ilalim ng Department of Labor.

Samantalang tinanggal na raw ang director ng bago sanang seryeng pagbibidahan ni Gabbi.

DAWN ZULUETA  AYAW NG NAMAMALO NG BATA PARA MADISIPLINA

PINALAKI  ni Dawn Zulueta ang kanilang anak ni Congressman Anton LagdameoDAWN ZULUETA2  na maging responsible sa buhay.

Ayon kay Dawn  tinuturuan niya ang kanilang dalawang anak na maging responsible  sa kanilang mga gamit at matuto rin sa iba`t ibang house  choirs kahit na mayroon silang kasambahay.

“My boy is gonna be 14 and our girl is gonna be 10.  So lately we`ve  been teaching them  already how to make their own beds and how to clean up.

“Dapat  nagliligpit  sila ng mga damit nila. We also teach them na rin how to be responsible, cleanliness in their room maski  du`n  lang muna,” say ni Dawn

May sariling  paraan din si Dawn kung paano  nila disiplinahin ang dalawang anak lalo na kapag nagiging pasaway na ang mga ito.

“Even when Jacobo was younger, never ko siyang  napalo. Hindi ako  namamalo talaga. Kapag medyo pasaway na at hindi na madaan sa maayos na pakiusap, we take away time sa paggamit nila ng iPad  or we  take  away  play dates, mga ganu`n  lang.

“Du`n  nila mare-realize na serious pala kami sa pag-discipline namin ni Anton sa kanila. Para sa susunod, hindi na sila uulit or magiging  pasaway sa amin,” say pa ni Dawn.

Hindi rin raw siya magiging  istrikto sa anak na isang teenager na kung sakaling may ligawan na raw si Jacobo.

“Parang  mahirap  yata ‘yon kasi pag lalo mong  pinagbawalan, gagawin naman nila nang patago so I would very much rather open na lang sila sa amin  tapos iga-guide naman namin sila,” pagdidiin pa ni Dawn na mistulang hindi tumatanda at hindi kumukupas ang kagandahan.

Comments are closed.