Aminado ang magandang aktres na si Lovi Poe na nagkalakas-loob siyang magtayo ng sariling produksyon dahil na-inspire siya sa alaala ng kanyang amang si Da King, Fernando Poe Jr.
“I’ve been in the industry for quite some time, and we have many talented actors, directors, and writers. I think it would be great to see these talents excel globally,” aniya.
Marami pa raw siyang gustong matutunan, pero andiyan si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. na tumatayong mentor niya. Ever ready raw ito basta may itatanong siya.
Matatantaang naging matagumpay ang FPJ Productions ng kanyang ama, at hindi matatawaran ang na-accomplish nito, sa dami ng FPJ movies na nagawa.
Alam daw niyang hindi kaya ng C’est Lovi Productions ang mga nagawa ng FPJ Productions, pero kahit konti lang daw ay gustong ma-achieve.
“I am trying to do the same thing, and it’s wonderful because it’s something I’m most passionate about, which is acting.
“I’m also venturing into producing good stories,” dagdag ia niya.
“Medyo matagal na rin naman ako sa industriya, siguro naman, kaya ko.” Mana kay FPJ.
RLVN