LOVI POE, PIOLO PASCUAL MAY CHEMISTRY

faceup

SOBRANG excitement ang nararamdaman ni Lovi Poe sa teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN. May mga posting na ang Dreamscape Production sa kanila ni Piolo Pascual.

Sa ginawang photo test para sa “Flower of Evil”, nakasuot ng apron si Piolo at nakadikit sa kanya si Lovi, kinilig na agad ang mga fans. Isa itong adaptation sa Korean telenovela na ang bida ay sina Lee-Jun-ki at Moon Chae-won.

First teleserye ito ni Lovi sa Kapamilya Network at unang pagsasama din nila sa telebisyon ni Piolo, ang adonis ng Phi­lippine showbiz.

Hindi mo masisisi ang mga tagahanga lalo na ang mga kababaihan na kiligin sa kaguwapuhan kay Papa P. keber kung lampas na 40s ang aktor. At swak nga sila ni Lovi. Magkakulay sila ng balat, bukod pa sa seksi ang aktres. May chemistry sila.

Ayon kay Lovi, “Isa ito sa mga paboritong kong k-drama. Kaya noong sinabi na ito ‘yung magiging proyekto ko, I was so excited.”

Makakasama nila sina  Edu Manzano, Eppie Quizon, Robert Sena, Pinky Amador, Jett Pa­ngan, Kit Thompson, Agot Isidro, Rita Avila, Denise Laurel at Joross Gamboa. Sure, next year na ang premiere telecast ng Flower of Evil.

JULIA MONTES AAMIN NA BA?

Dalawang taon ang nakaraan nang maging mailap si Julia Montes sa;publiko, at ngayong taon lang siya uli nagpakita. May kontrobersiyal na isyung dapat sagutin. Nanganak nga ba siya at ang tatay ng kanyang lovechild ay si Coco Martin?

Palaisipan pa rin ito kahit open na ang relasyon ng dalawa. May dapat pang sabihin sa publiko. Magpo-propose na ba ng kasal si Coco kay Julia? Ikakasal na kaya sila?

Nuong 40th birthday ng aktor, grabe ang mga mensahe ni Julia. Kulang na lang, sabihin niyang “oo matagal na kami!” magsisiwalat na ba sila ng katotohanan!

PAOLO CONTIS HUWAG HUSGAHAN ANG PAGKAAMA

MAHUSAY na aktor si Paolo Contis, mapa komedi, drama o aksiyon. Kaya lang, bilang ama, kumusta siya?

May dalawa anak siya sa dating sexbomb dancer si Lian Paz at anak babae kay LJ Reyes. Hindi pa rin malinaw kung totoong may romansa nga nagaganap sa kanila ni Yen Santos.

Ani Paolo, walang katotohanang nag-check-in sila ni Yen sa isang hotel, at sana naman huwag daw siyang husgahan bilang ama. Hindi raw kasali ang mga anak niya sa pelikula kaya huwag silang isama.