Loving the wrong person

Kaye Nebre Martin

MARAMING nagrereklamo. Bakit daw kaya lagi silang nai-in love sa maling tao. Wala naman akong nasabi, dahil sa totoo lang, once upon a time, na-in love din ako sa wrong guy.

Depende kung gaano kamali ang feelings mo sa isang tao, maiisip mong nakakahiya ito o hindi normal, dahil hindi ka naman bobo. Alam mo kung kelan ka mali, mahirap lang nga tanggapin. Kadalasan, pikit-mata na lang. pero kung hindi mo aayusin habang maaga pa, palagi kang mai-in love sa maling tao. Yung aasa kang mamahalin ka rin tulad ng pagmaahal mo, pero in the end, wala pa rin. Hindi kasi ganyan ang pagmamahal. Bago ka mahalin ng iba, dapat, mahalin at respetuhin mo muna ang sarili mo.

Hindi na bago ang ganito. Panahon pa ni Cristo, may nagmamahal na sa maling tao. Halimbawa na lamang, si Herodias, na nagmahal sa step-brother ng kanyang asawang si Herod Antipas. Mali, dahil sa Jewish law, nakokonsidera itong incestuous, pero nagpakasal pa rin sila.

Hindi lamang si Herodias ang biktima ng maling pag-ibig kundi maging ang kanyanag anak na si Salome. Mahal ni Salome si San Juan Bautista, pero hindi siya nito pinapansin. Kaya bilang paghihiganti, sinunod niya ang utos ng in ana ipapatay ito. Ang problema, nang makita niya ang ulo ni San Juan, hindi ito kayang tanggapin ng kanyang puso.

Minsan, napakahirap tanggaping nagkamali ka ng taong minahal, lalo pa kung siya ang unang taong pinagsanlaan mo ng iyong puso. Mahirap gumising mula sa isang bangungot. Sa matagal na panahon, aasa kang mababago rin ang lahat hanggang sa hindi mo na makilala ang iyong sarili.

Napakaswerte mo kung sa kabila ng iyong iyong pagkakamali ay nakasuporta pa rin sa’yo ang iyong pamilya, dahil sa panahon ng heartbreak, wala ka naman talagang maaasahan kundi ang pamilya mo.

Sabi sa kanta, “It’s never too late,” at totoo ‘yon. Nagkamali kang minsan, pero maraming isda sa dagat. Nakawala man ang unang nabingwit, malay mo, may mas malaking isdang nakahanda para sa’yo. KNM