Bilang nagsisimulang negosyante, naghahanap tayo ng financier o mauutangang mababa lamang ang interes, hindi yung five-six ng mga bumbay.
Sa totoo lang, hindi naman tayo dapat matakot sa utang. Actually, dapat ay magkaroon tayo ng appreciation sa magic ng low-interest rates. Kung wala ito, mahihirapang umusad ang negosyo. Pero kung mama-manage mo ito effectively, simula ito ng magandang ekonomiya, na magbibigay sa’yo sa mga darating na araw ng magandang kabuhayan.
Sure, may complexities din ang low-interest rate loans, at may mga hamon din, ngunit malaki ang potensyal nito upang makalikha ng hindi maitatangging economic enchantment.
Wala namang masama kung susubukan mong balansehin ang interest rates, economic growth, at stability. Negosyo mo yan. Dapat lang unawain mong mabuti ang pinapasok mong masalimoot na daigdig ng ekonomiya, na may pag-asang isang araw, mapapabilang ka sa may sinasabi.
Sa huli, masisilaw ka pa rin sa magic ng low-interest rates dahil ito ang pinakamadaling daan upang maganyak mo ang iba pang ekonomiya at financial markets sa itinayo mong negosyo. Alamin at isapusong dapat ay may sapat tayong kaalaman upang maipatupad ang economic activation. Ang ibig kong sabihin, dapat ay kakaiba ka — may selling point na wala sa iba.
Halimbawang magtatayo ka ng coffee shop. Napakarami nang coffee shop sa Pilipinas. Pero umisip ka ng paraan para kakaiba ang coffee shop mo, bukod sa masarap na kape. Halimbawa, baka may free na cake kapartner ng kape. O kaya naman, may WiFi, o kaya naman, may libreng neck massage. Bongga di ba? Ito yung sinasabing captivating spectacle for all to behold.
Hindi po yung suggestion ko. Mas mabuti kung makakaisip kayo ng inyo para sulit ang low-interest loan ninyo.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE