PAPATAWAN ng mas mataas na buwis ang mga underperforming at low quality na paaralan at ospital sa bansa.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua, layunin nito na disiplinahin ang mga paaralan at ospital na hindi nagpe-perform nang maayos at nagbibigay ng mababang kalidad ng serbisyo.
Sa ilalim ng Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities o TRABAHO Law, papatawan ng 15% hanggang 20% taxable income ang mga proprietary educational institutions at non-profit hospitals sa bansa.
Nakasaad sa panukala na 10% na kasalukuyang tax muna ang ipapataw sa loob ng dalawang taon matapos ang implementasyon ng batas, 15% naman sa susunod na tatlong taon at 20% tax sa susunod pang mga taon.
Maaari namang ipako lamang sa 10% ang tax ng mga ito kung nakasusunod sa criteria at evaluation mula sa CHED, DepEd at DOH.
Giit ni Cua, malaki ang posibilidad na magsara ang mga underperforming school at hospital kung hindi nila makukuha ang standards at matutumbasan ang ibinabayad ng publiko para sa de kalidad at maayos na serbisyo. CONDE BATAC
Comments are closed.