LOW VOTER TURNOUT SA OVERSEAS VOTING PROBLEMA PA RIN – COMELEC

AMINADO  ang Commission on Elections (Comelec) na problema pa rin hanggang ngayon ang low voter turnout sa overseas voting.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, “perennial problem” na nilang maituturing ang nasabing suliranin.

Paliwanag ni Jimenez, hirap kasi ang ilan sa ating mga kababayan sa ibayong dagat na magtungo sa kani-kanilang embahanda o konsulado dahil malayo ang kanilang tinutuluyan dito.

Aniya, ito ang dahilan kaya’t isinusulong nila ang internet voting kung saan naniniwala ang ahensiya na sa ganitong paraan ay mapapataas nila ang voter turnout.

Dahil dito, umaasa ang Comelec na maisusumite na nila ang rekomendasyon tungkol sa internet voting para sa mga susunod na eleksiyon ay maikonsidera na ito ng Kongreso. DWIZ882