ITINURING ni House opposition bloc leader at 1st Dist. Albay Rep. Edcel Lagman bilang ‘courtesy resignation’ lamang ang ninanais na pagbitiw nina Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at 6th Dist. Quezon City Rep. Jose Christoper “Kit” Belmonte bilang mga matataas na opisyal ng Liberal Party (LP).
Kasabay nito, inihayag ni Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Vice President President Leni Robredo, ang hindi pagtanggap ng huli sa pagbibitiw nina Pangilinan at Belmonte.
“The VP (as chairperson of LP) has not accepted Senator Kiko’s and Cong. Kit’s resignations. Much work remains to be done, and they will do it, together,” sabi pa ni Gutierrez
Kinumpirma ni Lagman na naghain ng kanilang resignation sina Pangilinan at Belmonte, bilang presidente at secretary-general ng LP, ayon sa pagkakasunod.
Subalit ito ay bilang ‘courtesy resignation’ lamang at hinahangan niya ang dalawa sa pagtanggap ng responsibilidad sa sinapit LP senatorial bets sa nakalipas na halalan.
Sa pamamagitan naman ng text message ay iginiit ni Belmonte na mananatili pa rin sila sa LP.
Ginawa umano ng senador ang pagbibitiw kasunod ng pag-ako ng kasalanan sa kabiguang maipanalo sa katatapos na May 13 midterm polls kahit isa man lamang sa ‘Otso-diretso’ senatorial candidates. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.