PINANGALANANG bagyong Luis ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isang low-pressure area (LPA) na nabuo sa dulong bahagi ng Northern Luzon.
Ayon sa Pagasa, pumasok na sa Philippine area responsibility (PAR) nitong Huwebes, Agosto 23.
Namataan ng weather state bureau ang bagyo sa layong 290 kilometers (km) north northwest ng Basco, Batanes habang gumagalaw patungong northeast.
Taglay nito ang lakas ng hanging 55 km/h malapit sa gitna at gustiness na 90 km/h.
Samantala, hindi inaasahang magla-landfall ang bagyo sa bansa ngunit palalakasin nito ang habagat na magdadala ng manaka-naka at malakas na pag-ulan sa La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Batanes, at Babuyan Islands at sa Cordillera Administrative Region (CAR) mula sa Biyernes (Agosto 24). NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.