LPA BINABANTAYAN NG PAGASA

MINDANAO – PA­TULOY ang isinasagawang pagmomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA) ang pamumuo ng mga ka­ulapan sa labas ng Phi­lippine Area of Responsi­bility (PAR) sa sila­ngan ng Mindanao na maaaring mabuo bilang low pressure area (LPA).

“Continues monito­ring po tayo dito sa mga cloud clusters or kau­lapan na ito sa posibilidad na ito ay magkaroon ng circulation at maging isang ganap na (We continue to monitor these cloudy clusters that may circulate and become a) low pressure area within the next 24 to 48 hours,” ayon kay Forecaster Grace Castañeda sa 4 a.m. wea­ther update ng PAGASA.

Aniya, ang cloud cluster na ito at shear line ay magdadala ng mga pag-ulan sa Min­danao at Visayas.

EVELYN GARCIA