LPA INAASAHANG PAPASOK NG PAR NGAYONG HAPON

LPA

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pag­asa) ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng bansa.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 1,235-kilometro Silangan ng Mindanao.

Inaasahang papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon kung saan may posibilidad na maging ga-nap na itong bagyo at tatawaging ‘Dodong’.

Nananatili namang walang epekto ang LPA sa bansa bagama’t ang trough o extension nito ay inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Davao Region at Caraga.

Habang patuloy naman ang pag-iral ng high pressure area na nagdadala ng maalinsangang panahon sa Metro Manila, Luzon, Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao.   DWIZ 882

Comments are closed.