LPA LALAKAS HABANG PAPASOK NG BANSA

LPA

INAASAHANG papabor sa mga magsasaka na nasa bahagi ng Mindanao ang papalapit na low pressure area (LPA) na namataan.

Ito ay dahil sa posible umanong lumakas pa ang LPA na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Gener Quitlong, sa Lunes o Martes naman asahang magla-landfall ang LPA sa eastern side ng Mindanao partikular sa Davao o Caraga Region.

Napag-alaman na sakaling maging ganap na bagyo ay tatawagin itong Chedeng.

Samantala, makararanas naman ang malaking bahagi ng Maynila maging ang Central at Northern Luzon ng epekto ng nagkakasalubong na tail end of a cold front at hanging amihan.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.