LPA NABUO SA LABAS NG PAR

PAGASA-BAGYONG OMPONG

MAY nabuong Low Pressure Area o sama ng panahon sa labas ng bansa.

Dahil sa anila’y favorable environmental conditions ay maaring maabot ng LPA na ito ang typhoon category pagsapit ng Martes ng gabi o sa Miyerkules ng umaga.

Base sa kasalukuyang track and intensity forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) lumalabas na mayroong moderate to high na tsansa na magkaroon ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa Visayas at Mindanao sa mga susunod na araw.

Inasahan namang kikilos ang tropical depression na ito sa west northwest na direksiyon sa susunod na tatlong araw at maaaring makapasok sa PAR sa Martes.