LPA NAGING BAGYONG AURING

PINANGALANANG Auring ang namuong bagyong nakatakdang manalasa sa hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), pumasok si Auring sa Philippine Area of Responsibility (PAR) dakong 8:00 AM ng Miyerkoles, February 17.

Tatahakin ng bagyo ang kanluran-silangang kanluran sa loob ng 12 oras.

Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyo ay 900 km East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur, sa bilis na 20 km/h patungong Kanluran Hilagang Kanluran, taglay ang lakas ng hanging 45 km/h malapit sa gitna at gustiness na hanggang 55 km/h

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Caraga sa Sabado ng umaga hanggang Linggo ng gabi.
Hindi pa gaanong mararamdaman ng bansa ang bagyong Auring ngunit bahagyang uulanin ang Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, Cotabato, at Lanao del Sur, lalo na ang mga mabababang lugar.

Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente sa mga nasabing lugar na maghanda sa pagbuhos ng malakas na ulan at paghampas ng malakas na hangin ngayong Lunes, Pebrero 22.

Samantala, uulanin ngayong araw ang Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Albay, Catanduanes dahil sa Tail-End of a Frontal System ng bagyo.

Uulanin din ang Central Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at iba pang bahagi ng Bicol Region.
Posible umanong magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar dahil sa malakas at matagal na buhos ng ulan.

Pinag-iingat rin ang mga naninirahan malapit sa ilog sa posibleng pag-apaw at pagbaha.

Wala pang ulat tungkol sa malakas na hangin, at nakataas ang bagyo sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) #1, ngunit asahan umanong mananalkasa ang bagyo sa Caraga at Davao Region Biyernes pa lamang.

Sa nasabing mga araw, ipinapayo ng Pagasa na huwag munang lumabas ang mga mangingisda o maglakbay sa dagat upang makaiwas sa sakuna. NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.