LPA SA BATANES GANAP NANG BAGYO

Ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay idineklara na ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical and Services Administration (PAGASA) na  ganap na bagyo  at itinaas ang wind signal sa araw ng Biyernes sa maapektuhan nitong mga  bahagi ng bansa.

Ayon kay Dan Villamil, weather specialist ng  PAGASA, ang sentro ng bagyong Julian  ay 525 kilometers sila­ngan ng Itbayat, Batanes.Ito ay isang tropical depression na may malakas na hangin sa gitna na umaabot ng 55 kilo­meters per hour (kph).Ito ay mag pagbugso na umaabot ng 70 kph.

Gumagalaw ito ng south south westward sa bilis na 15 kph.

Ang naturang bagyo ay inaasahang magdadala ng mga kaulapan at mataas na tsansa ng pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan, Babuyan Islands at Isabela.

Sa mga naturang lugar, pinayuhan ni Villamin na maghanda ang mga apektadong residente sa mga banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, mainit at maalinsangang panahon naman ang inaasahan sa Metro Manila at sa na­lalabing bahagi ng bansa. Posible pa rin  ang mga biglaan at panandaliang buhos ng ulan na dulot ng thurderstorm lalo na pagsapit ng hapon hanggang sa gabi.

Samantala, ang dalawa pang binabantayan ng PAGASA na low pressure area (LPA) at isa pang tropical depression ay may kalayuan pa  ito sa bansa.

Ngayong weekend hanggang sa susunod na linggo itong gawi ng hilagang Luzon. Sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay inaasahang generally fair weather naman  sa weekend hanggang sa susunod na mga araw.

Asahan naman ang matitinding buhos ng ulan sa rehiyon ng Cagayan Valley, ang lugar na inaasahang pinaka maapektuhan ng mga pag- ulan na dala ng bagyong Julian o sa northern Luzon area sakop ng Region 1 at Region 2.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia