Maliit ang posibilidad na maging bagyo ang low pressure area (LPA) na patuloy pa ring binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa West Philippine Sea.
Batay sa monitoring, huli itong namataan Martes ng umaga sa layong 305 kilometers kanluran ng Coron, Palawan, ayon kay Rhea Torres, PAGASA weather specialist.
Ang Bicol Region at lalawigan ng Quezon ay inaasahang makararanas ng mga pag-ulan dulot ng epekto ng easterlies.
Pagdating ng tanghali hanggang gabi ay mataas ang posibilidad ng thunderstorms pati sa mga karatig lalawigan at areas sa CALABARZON pati na rin sa Metro Manila.
Sa ibang bahagi ng bansa magpapatuloy ang generally fair weather condition maliban na lang sa mga biglaan at panandaliang buhos ng ulan dulot naman ng mga localized thunderstorms.
Sa labas naman ng PAR, patuloy pa ring minomonitor ng PAGASA ang tropical depression o bagyo na may higit 2,600 kilometro east northeast ng extreme northern Luzon. Subalit kumikilos naman ito papalayo sa Pilipinas.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia