LPG MAY DAGDAG-PRESYO

LPG

NAGSIMULA na ang dagdag-singil ng ilang kompanya sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) products simula kahapon, Hunyo 1.

Ayon sa abiso, nagtaas ang Petron sa kanilang presyo ng LPG (VAT included) ng P3.40/KG at AutoLPG by P1.90/li simula kahapon ng madaling araw, Hunyo 1, ganap na 12:01 ng umaga. Dito na magtatala ng international contract prices ng LPG para sa buwan ng Hunyo.

Sa abiso ng Petron, nasa P3.40 ang dagdag sa kada kilo ng kanilang LPG habang P1.90 naman ang dagdag sa kada litro ng auto LPG.

Naging epektibo ang dagdag-singil ng Petron simula hatinggabi ng Hunyo 1.

Nag-abiso rin ang Solane na nagtaas na rin sila ng kanilang branded LPG ng Php 3.36/kg kasama ang VAT na ipinatupad din ng Hunyo 1, ganap na  6:00 ng umaga.

Comments are closed.