INANUNSIYO ng Petron Corporation ang taas-presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) products simula ngayong araw, Setyembre 1.
Ayon sa Petron, ang presyo ng LPG ay tataas ng P0.15 per kilogram, at AutoLPG ng P0.10 per liter.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of September,” ayon sa advisory ng kompanya.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Agosto, ang presyo ng 11-kilogram household LPG products ay nasa P562.00 hanggang P782.00.
Samantala, sa ikaapat na sunod na linggo ay may pagtaas sa presyo ng gasolina habang may rolbak naman sa diesel at kerosene para sa ikalawang sunod na linggo.
Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na may dagdag sa presyo ng kanilang gasolina ng P0.10, habang may bawas naman sa diesel at kerosene ng tig-P0.10.
Epektibo ang adjustments ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Caltex na alas-12:01 ng umaga.
Comments are closed.