LPG PRICE ROLLBACK: P55/TANGKE

LPG

NAKAAMBA ang rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) sa darating na Hunyo dahil sa pagbagsak ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa report, nasa $90 kada metriko to­nelada ang ibinagsak ng presyo ng LPG nitong Lunes sa pandaigdigang merkado o katumbas ng P5.20 kada kilo.

May 10 araw pa bago lumabas ang final contract price.

Sinabi ni South Pacific Inc. president at chief executive officer Jun Golingay na kumpiyansa naman siya na bababa ang presyo ng LPG.

“Ako sigurado ako sa pababa, definite ‘yong pababa,” pahayag ni Golingay.

“We expect prices to go down most likely between $70 to $90, around P3.50 to P5,” dagdag pa niya.

Samantala, sa pagbabadya ng pagbaba ng LPG, tumaas naman nitong Martes ang presyo ng produktong petrolyo.

Mula Enero hanggang Mayo 21, P9.74 na ang kabuuang taas-presyo sa kada litro ng gasolina, P8.44 sa diesel, at P5.72 sa kerosene.

Mag-uusap na ang Department of Energy (DOE) at Philippine Competition Commission para maplantsa ang utos na “unbundling” o paghimay sa presyuhan ng petrolyo.

Nanindigan ang DOE na hindi nila ibubulgar ang “price components” ng kada oil company dahil ang ibibigay lang sa konsyumer ay iyong pangka-lahatan para sa buong industriya.

Sa pagtaya ni Energy Secretary Alfonso Cusi, matatapos ang konsultas­yon ukol sa unbundling sa katapusan ng Mayo.

Comments are closed.