MATITIGIL ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 mula Maundy Thursday hanggang Easter Sunday.
Sa kanilang abiso kamakailan, sinabi ng Department of Transportation na ang LRT Line 1 at Line 2 ay mawawalan ng operasyon sa nasabing Mahal na Araw at magsisimula ulit ang pagtakbo sa Lunes, Abril 22.
Magkakaroon ang LRT 1 ng operating hours mula Roosevelt Avenue sa Quezon City hanggang Baclaran sa Parañaque City mula 4:30 a.m. hanggang 10:15 p.m. at pabalik mula 4:30 a.m. hanggang 10 p.m. mula Holy Monday (Abril 15) hanggang Holy Wednesday (Abril 17).
Sa kabilang banda, ang LRT 2 ay magkakaroon ng operating hours mula sa Santolan sa Pasig City hanggang Recto, Manila mula 4:30 a.m. hanggang 7 p.m. at Manila hanggang Pasig mula 4:30 a.m. hanggang 7:30 p.m. mula Holy Monday (Abril 15) hanggang Holy Wednesday (Abril 17).
MRT WALANG OPERASYON BUONG SEMANA SANTA
Nauna rito, inabisuhan ding ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang mga pasahero na mawawala ang kanilang operasyon sa buong Semana Santa, mula Holy Monday hanggang Easter Sunday, para bigyang-daan ang kanilang maintenance works.
“The preventive and maintenance activities would include the replacement of critical turnouts or switches, rail grinding, structur-al testing, topographic survey and monitoring activities for MRT-3 structures,” sabi nila.
Magsisimula rin ang MRT ng kanilang regular na operasyon sa Lunes, Monday, Abril 22. PNA
Comments are closed.