NAGSIMULA na kahapon ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) ng kanilang expansion works para sa EDSA Station ng LRT Line 1, at ipinagmamalaki nito ang kaligtasan at kaginhawahan para sa mga pasahero.
Ang salubungan ng mga pasahero ng pinaka-busy na estasyon ay palalawakin pa ng 400 square meters mula sa 70 sqm, paha-yag ni LMRC president at CEO Juan Alfonso sa isang panayam.
“Queuing areas, and unpaid areas will be expanded to handle increased passenger flow,” sabi ni Alfonso.
“LRMC aims to improve the customer experience and continue to improve the quality of people’s transport commute,” dagdag pa niya.
Sinabi pa niya na ang pagpapalawak ay dinisenyo para matugunan ang inaasahang pagdagdag ng mga pasahero kapag natapos na ang Cavite Extension, sabi pa niya.
Nagsisilbi ang EDSA Station ng mahigit na 52,000 pasahero kapag ordinaryong araw at ang lugar para sa pagpila ay “inadequate” para sa mga mananakay kapag peak hours, ayon pa sa LRMC.
Comments are closed.