LRT-1 EXTENTION TUMATAKBO NA

Noong March 22, 2012 inaprobahan ni late President Benigno Aquino III ang ₱60-billion Cavite Extension Project. Ito ang pinakamalaking infrastructure project sa ilalim ng kanyang pamamahala — ang LRT-1 Cavite extention.

Sa Cavite Extension project, ang dating 20 LRT-1 ay magiging 28, at daraan sa mga major cities tulad ng Quezon City, Caloocan, Manila, Pasay, at Parañaque, patungong Bacoor, Cavite. May karagdagang 11 kms sa kasalukuyang railway system na inaasahang makapagsasakay ng 800,000 pasahero araw-araw. Inaasahan ding lalaki ang commercial development sa paligid ng mga rail stations.

Makaaasa ang mga commuters ng kumportable, reliable, at modernong integrated transport habang nakasakay sa LRT-1 dahil mababawasan ng isang oras at kalahati ang biyahe mula Pasay hanggang Cavite.

Nakikipagtulungan ang LRMC sa Bouygues Travaux Publics as the Engineering, Procurement, and Construction (EPC), contractor ng LRT-1 extension.

Para sa Phase 1 ng proyekto (ROW Package 1), abot sa 203 pi-girders (chief horizontal support in a structure) ang ikakabit gamit ang above-ground launcher. Target ng proyektong ma-install ang pi-girder kada dalawang araw hanggang January 2025. Ngayon lamang ito ginawa sa Pilipinas. Kaya ng special engineering method na ito ang mabilis na execution na may minimal effect lamang sa ground-level traffic. Ang iba pa pi-girders ay ikakabit via on-ground equipment.

Ang limang bagong Parañaque stations ng LRT-1 Extention ay ang Redemptorist-Aseana, MIA Road, PITX (Paranaque Integrated Terminal Exchange), Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos. Natapos ang southern terminus designation ng station nitong Nobyembre, sa pagbubukas ng Phase 1 ng LRT Line 1 South Extension, na tinatawag ring Cavite Extension.

Ang LRT 1 ang kauna-unahang tren na maglalakbay sa Cavite City patungong Maynila.

Pag-aari na ngayon ang LRT 1 ng Ayala, Metro Pacific management A consortium sa paggitan ng Ayala Corp. at Metro Pacific Investments Corporation.

JAYZL V. NEBRE