LRT-2 MAY LIBRENG SAKAY SA RIZAL DAY

BILANG pagdiriwang sa Rizal Day, ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ay mag-aalok ng libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ngayong Lunes,  December 30.

Sa isang advisory, sinabi ng LRTA na ang libreng sakay ay available mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga. at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang unang train ay aalis ng Recto Station at Antipolo Station sa alas-5 ng umaga, habang ang huling train ay aalis ng Antipolo Station sa alas-9 ng gabi, at Recto Station sa alas-9:30 ng gabi.

Gugunitain ngayong araw, na isang regular holiday sa bansa, ang 128th death anniversary ni Gat Jose Rizal.