HINDI pa ito ang tamang panahon para sa pagtataas ng singil ng pamasahe sa Light Trail Transit (LRT) ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
Ito ay matapos humingi ang operator ng LRT-1 ng limang pisong dagdag sa pamasahe para sa pondo ng gagawing pagdurugtong sa Maynila patungong Parañaque at Cavite.
Tinutulan ni Villar ang mosyon nang umupo siya bilang board sa Light Trail Transit Authority (LRTA) na nag-aapruba ng mga dagdag pasahe sa LRT.
Sinabi niyang dapat munang timbangin at isaalang-alang ng gobyerno ang ‘’public interest’’ bago ito ipatupad.
‘’Maybe now is not the best time for these spikes in prices,’’ sabi ni Villar sa isang panayam ng ANC.
Dagdag pa niya, pag-uusapan ang pagtaas ng pamasahe sa LRT. Maaari itong maipatupad ng maaga sa inaasahan o kung kailan ang panahon na magaan na ang pagtanggap ng publiko rito.
Matatandaang ilang linggo pa lang kasi ang nakalilipas matapos magdagdag ng pisong pamasahe kada kilometro sa mga pampublikong jeep.
Patuloy rin ang pagtaas ng inflation rate sa bansa na siyang pinangangambahan din ni Villar.
Giit naman ng Light Trail Manila Corporation, nag-ooperate sa LRT-1, kailangan ang limang pisong fare hike para mapapayag ang mga bangkong pahiramin sila ng pondo para sa line extension. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.