UMAPELA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kamakailan sa Angkas drivers na itigil muna ang pagseserbisyo o pasada habang pinag-uusapan pa ang legalisasyon sa paggamit ng motorsiklo para sa pampublikong transportasyon.
Nagpakawala ng “undercover” enforcers para mahuli ang Angkas drivers na nagpapatakbo sa gitna ng direktiba ng Supreme Court sa ahensiya na hulihin ang active units, ayon kay LTFRB Chair Martin Delgra.
Nauna nang hinimok ng motorcycle ride-hailing firm na Angkas ang Supreme Court na alisin ang temporary restraining order (TRO) na inisyu noong Disyembre na pinapayagan ang mga awtoridad na hulihin ang kanilang pasahero.
“Appeal ko na lang po, pinag-uusapan naman, ‘wag na lang muna sila sa daan so we’ll not complicate things in that sense,” sabi ni Delgra
Nakatakdang makipagpulong ang transport authorities sa pribadong sektor, commuter groups, at academe noong nakaraang araw para bumuo ng technical working group na naka-pokus sa pakikipag-diskusyon sa posibilidad na pagsasa-legal ng operasyon ng motorcycle taxis sa bansa.
“Kung saka-sakaling payagan, dapat matugunan ang isyu ng kaligtasan,” ani Delgra.
Inudyukan ng House Committee on Metro Manila Development kamakailan ang DOTr na maglabas ng department order para ma-regulate ang motorcycle ride-sharing services tulad ng Angkas, habang hinihintay ang pagbabago ng batas kung alin ang nababagay na sasakyan na puwedeng gamitin bilang public transport.
Naging popular na ang platform sa gitna ng kahinaan ng public transport system sa bansa.
Mas mura ang on-demand motorcycles kaysa sa kotse na i-operate bilang ride-hailing services, at madaling makapagbigay ng serbisyo sa pasahero nang mas mabilis dahil nakaiiwas sa trapik.
Comments are closed.