(LTFRB umapela sa Piston) 3-ARAW NA TIGIL-PASADA KANSELAHIN

UMAPELA ang Land Trans­portation Fran­chising and Regula­tory Board (LTFRB) sa transport group na Piston na huwag nang ituloy ang plano ni­tong tatlong araw na tigil-pasada.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na naki­pag-ugnayan siya kay Piston National Presi­dent Mody Floranda sa pag-asang magkaroon ng kompromiso para sa kapakanan ng mga commuter.

Nagbabala rin si Guadiz na maaaring bawiin o suspindehin ang prangkisa ng mga jeepney driver na sasa­ma sa protesta.

Matatandaan na sinabi ni Floranda na kakanselahin lamang ng Piston ang transport strike kung susundin ng gobyerno ang mga kahilingan nito hinggil sa public utility vehicle (PUV) modernization program.

Kabilang dito ang pagbasura sa consoli­dation requirement na kanilang pinangangam-bahang mag-aalis ng single unit operators at mga franchise ng ruta.

Kaugnay nito, sinabi ni Floranda na maninindigan ang kanilang grupo sa pag-kasa ng tatlong araw na transport strike na magsisimula sa Lunes, Nobyembre 20.

Iginiit ng LTFRB na mahalaga ang pag-sasamasama ng pran-gkisa lalo’t mas ma-giging madali para sa mga jeepney driver at operator na sumunod sa moderization program.

EVELYN GARCIA