LTO AT PNP KINALAMPAG SA ‘NO PLATE, NO TRAVEL’ POLICY

Rep Niña Taduran

MAAARI umanong maharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa kabila ng patuloy na paniningil nito sa pagpaparehistro ng mga sasakyan kabilang ang motorsiklo, ay bigo naman ang ahensiya na mag-isyu ng kaukulang license plate o plaka.

Ito ang babala ni House Assistant Majority Floorleader at ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran kung saan hi­nimok din niya ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies na mahigpit na ipatupad ang ‘No Plate, No Travel’ Policy.

“Im not at all surprised by the frequency of riding in tandem crimes when most of the motorcycles I see on the road are without plate numbers or sport temporary plates,” ang mariing pahayag ng ACT-CIS party-list congresswoman.

“It would be easy for motorcycle-riding criminals to evade capture considering that they cannot be easily identified through their plate numbers because most of them have none or have improvised plates,” giit pa niya.

Dismayado si Taduran sa tila kawalan umano ng sistema ng LTO sa pagbibigay ng plaka at hindi maikakaila na matagal nang umiiral ang hindi nito pag-iisyu ng plaka sa mga motorsiklo gayundin sa iba pang mga sasakyan..

“The country is being even referred to in internet memes as ‘Republika ng Walang Plaka,’ yet the situation is apparently falling on the LTO’s deaf ears. The situation has persisted ever since the LTO decided to switch to new plates which they mostly failed to deliver,” ayon sa ranking lady house official.

Dahil dito, sinabi ni Taduran na sinasamantala ng mga kriminal ang sitwasyon dahil mahihirapan ang PNP at iba pang ahensiya na tugusin at kilalanin ang gumawa ng krimen gamit ang sasakyang walang plaka.

Bunsod nito, dapat umanong palakasin ng law enforcement units ang kanilang ‘Oplan Sita’ o kaya’y arestuhin ang mga magmamaneho ng sasakyan na walang plaka dahil may batas naman na umiiral kaugnay nito, ang ‘No plate, No travel’ policy.

Subalit kung lilitaw na ang problema sa kawalan ng license plate ay dahil sa kapalpakan ng LTO, binigyang-diin ni Taduran na dapat kasuhan at papanagutin ang kaukulang opisyal o tauhan ng huli. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.