BAGUIO CITY- MAGIGING magkatuwang na ang Land Transportation Office (LTO) at Baguio City Local Govt sa digital interconnectivity.
Kasunod ito ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) nina LTO Chief Asec. Atty. Vigor D. Mendoza II at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Sa ilalim ng kasunduan, ikokonekta ang data ng LTO sa data rin ng lungsod at ng LGU na inaasahang magpapadali sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa trapiko.
Ayon kay Asec. Mendoza, ang Baguio ang unang siyudad sa Northern Luzon na interlink na sa information system ng LTO.
Aniya, sa tulong nito, inaasahang mas maisasaayos na ang trapiko sa siyudad at mapapabilis rin ang pagproseso sa penalties.
Tiniyak naman ng LTO na magpapadala ito ng mga eksperto sa siyudad para imonitor ang implementasyon ng kasunduan.
“I hope this will just be the start of other exchanges, other joint efforts in order to promote road safety,” ani Mendoza. P ANTOLIN