LTO BUKAS MONDAY TO SATURDAY Toll fee libre hanggang 20 km

Bukas mula Monday hanggang Saturday ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ngayong September para ma-accommodate ang mga kliyenteng hindi makaalis sa trabaho kung weekdays.

“LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III confirmed that all LTO District/Extension Offices and Licensing Centers under LTO-NCR will now operate from Monday to Saturday for the whole month of September,” Pahayag ng LTO-NCR.

Nagsimula umano ito noong August 31, at sinabi pa ni Versoza na “the law enforcement teams will maintain their operations and that the adjudication office started its operations on September 7.”

Samantala, iba na sng pata­karan ng gob­yerno ngayon sa toll collection: Pay as per distance you cover, at walang bayad kung 20 kilome­ters pababa lamang ang babagtasin.

Kung sobra sa 20 kilometres limit, magbabayad ang mga motorista base sa kung gaano kahaba ang kanilang binagtas.

Inilabas ng Indian government ang bagong patakaran batay sa updated system, ga­mit ang Global Navigation Satellite System (GNSS) para sa tracking, mga gumagamit ng mechanical vehicles—liban sa may mga National Permit—na libre ang toll fee kung ang travel ay hanggang 20 kilometres lamang.

Batay sa bagong regulasyon, ang mga drivers, may-ari, o taong in charge ng sasakyan ay pwede na sa

zero-user fee sa mga biyaheng 20 kilometres and below sa kahit anong direksyon ng toll roads, kasama na ang national highways, permanent bridges, bypasses, at tunnels. Kung sobra sa 20 km., magbabayad ang motorista base sa actual distance tra­velled.

Kasama rin sa bagong rules ang probisyon sa paggamit ng bagong teknolohiya tulad bg Global Navigation Satellite System (GNSS) On-Board Units, Automatic Number Plate Recognition (ANPR) devices, at FASTag systems.

Ayon sa updated regulations, mako­kolekta ang user fees gamit ang mfa ito.

Ang GNSS device ay non-transferable at firmly fitted technology sa sasakyang nakakonekta sa GNSS para sa user fee collection.

Maglalaan umano ng exclusive lane para sa mga sasakyang may GNSS On-Board Units.

Doble ang ibabayad ng sasakyang papasok sa nasabing lane na walang GNSS.

JAYZL VILLAFANIA NEBRE