LTO ENFORCER DOA SA PUNGLO

tambangan

SURIGAO CITY – DEAD on the spot ang team leader ng Land Transportation Office (LTO) Regional Office Enforcement Unit nang tambangan ito ng mga hindi pa nakikilalang sa­larin noong Miyerkoles ng umaga sa lungsod na ito.

Sa police report mula sa Surigao City Police Office, kinilala ang biktima na si Felixberto Loayon.

Habang kasalukuyan namang nilulunasan sa pagamutan ang dalawang kasamahan nito.

Ayon sa  pagsisiyasat ng Surigao City Police, sakay ng kanilang sasakyan ang grupo ng LTO enforces at tinatahak ang direksiyon patungong Poblacion ng Surigao City nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. VERLIN RUIZ

Comments are closed.