PINANGUNAHAN ng Land Transporation Office (LTO) Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang idinaos na Blessing and Inauguration ng LTO Extension Office sa Areza Compound, Brgy. Biñan, Pagsanjan, Martes ng hapon.
Dumalo sa naturang pagtitipon sina DOTr Secretary Atty. Arthur Tugade, LTO Asec. Edgar Galvante, LTFRB Chairman Martin Delgra at si Ginoong Cezar Areza, tumatayong President/CEO, Areza Group of Companies kabilang ang mga lokal na opisyal at iba’t ibang sektor ng lipunan. Unang pinasinayaan ng mga ito ang Pagsanjan LTO Extension Office kasunod ang itinayong Motor Vehicle Inspection System(MVIS).
“Makakatulong at magiging kapaki pakinabang ito sa maraming mamamayan sa bahagi ng ika-apat na distrito ng Laguna at karatig pang mga lugar na bumibiyahe ng malayo dahil mas mapapabilis ng maibibigay ng LTO ang kanilang serbisyo. Ito din po yung tugon natin na ilapit ang serbisyo sa mamamayan at sa lahat ng Pilipino”, ayon kay LTO R4A Regional Director Atty. Noreen Bernadette San Luis – Lutey.
Itinalaga ni Galvante bilang Pagsanjan LTO Extension Office Chief si Ms Estela Loverez.
Samantala, makaraan ang nasabing pagtitipon, isinagawa ang dayalogo sa pagitan ng nabanggit na mga opisyal at samahan ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) sa Laguna.
Nakatuon sa isinagawang dayalogo ang hinaing ng maraming tsuper at operators kay Tugade, Galvante at Delgar. Isa aniya dito ang sitwasyon ng pinagtibay na 10 taon palugit o validity sa drivers license kapag may penalty at violation.
Kabawasan sa 10 taon na expiration ng lisensiya ang may mga paglabag sa batas. Katatayuan sa buhay ng mahihirap na tsuper at operators ang isa pa sa tinalakay sa dayalogo kabilang ang pagbabawal sa mga tricycle na dumaan sa highway.
Huwag aniyang magtitiwala sa mga fixers dahil siguradong peke ang makukuha ninyong lisensiya, para tuluyang maiwasan na rin ang nagaganap na korapsiyon sa ahensiya.
Kaugnay nito, sinabi ni Tugade na labis aniya siyang naliligayahan sa nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang State of the Nation Address dahil sa kanyang mga accompishments sa bansa.
Sa kabila ng kanyang kaligayahan, isa aniya itong challenge para sa kanya ng Pangulo, nananatili pa rin sa kanya ang gumawa ng gumawa para ang buhay ng Pilipino ay maging komportable. DICK GARAY
490737 699896I adore reading via and I believe this web site got some genuinely utilitarian stuff on it! . 689091
700330 463378This will likely be an excellent internet internet site, will you be involved in performing an interview regarding how you developed it? If so e-mail me! 1918
950395 10491Extremely efficiently written story. It is going to be helpful to anybody who employess it, including me. Keep up the excellent work – canr wait to read much more posts. 368977