MASUSING iniimbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) ang nangyaring aberya sa Land Transportation Management System (LTMS) nitong nakaraang linggo.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni LTO Director Francis Rey Almora, chair ng binuong steering committee na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Information Communication and Technology (DICT) upang matukoy ang pinakasanhi ng problema sa sistema.
Sinabi naman ni Atty. Zoj Daphne Usita-Angustia na handa rin nila idulog sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang naturang problem.
Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Dir. Almora sa publiko na apektado ng aberya sa LTO bunsod ng patuloy na pagbagal ng sistema kasunod ang pangako na gagawin ang lahat ng paraan upang muling maayos ang naturang problema. BENEDICT ABAYGAR, JR.