LTO NAGBABALA SA ONLINE SERVICE

LTO OFFICE

PINAALALAHANAN ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko na hindi sila nagbibigay ng authority sa sinuman upang mag-alok ng serbisyo gamit ang online service o social media sa pagkuha ng driver’s license at renewal registration ng sasakyan.

Kaya’t binalaan ni Atty. Clarence Guinto, director ng LTO-National Capital Region-West  ang publiko bunsod ng sunod-sunod na natatanggap na ulat na may mga indibidwal na ginagamit ang social media para sa illegal activities.

Ayon kay Guinto, ipinagbabawal ang ganitong uri ng scheme at walang binibigyan ng pahintulot ang LTO sa sinumang private individual na mag-alok ng service online gamit ang social media account sa pagkuha ng dri­ver’s license, student permit at renewal ng mga vehicle registration.

Aniya, ipinagbabawal ito sa ahensiya kung kaya’t hinihikayat ang publiko na itawag agad sa pinakamalapit na LTO offices kung may alam sila sa mga ganitong illegal activities at ang babalang ito ay ilalagay rin sa social media account ng LTO-NCR-West. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.