IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang paglalagay ng karagdagang tauhan sa ilang lugar ng EDSA Bus Carousel sa gitna ng talamak na paglabag ng mga motorista.
Inatasan din ni Mendoza ang LTO-National Capital Region na kilalanin ang operator at ang driver ng taxi na humarang sa ilang bus nang bumaha sa bahagi ng Camp Aguinaldo Gate 3 ng EDSA noong Setyembre 23.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang LTO sa insidente kung saan muntik nang masagasaan ng isang motorista ang isang MMDA traffic enforcer at nagtangkang tumakas at dumaan sa EDSA Bus Carousel lane noong Setyembre 21..
“Nagiging bisyo na ng ilang mga abusadong motorista ang paggamit ng EDSA Bus Carousel. We recognize the limited manpower of the MMDA to strictly enforce and while the LTO has the same problem, we will tap some of our enforcers to reinforce our brothers in the MMDA in keeping an eye on the EDSA Bus Carousel,” giit ni Mendoza.
“Tinitiyak din natin ang agarang aksyon ng inyong LTO upang maparusahan ang mga mahuhuling motorista na gagamit ng EDSA Bus Carousel,” dagdag niya.
Paulit-ulitt na umano ang MMDA sa kanilang babala sa mga motorista na walang pribadong sasakyan ang dapat na gagamit sa EDSA Bus Carousel lane, maliban sa mga sasakyang ginagamit para sa emergency response tulad ng ambulansya, fire truck at police cars. BENEDICT ABAYGAR, JR.