LTO NAGPALABAS NA NG PLAKA

Lto Plate number

NAGSAGAWA ng partial release ang Land Transportation Office (LTO) ng mga plaka ng sasakyan.

Ipinarating ng LTO, na sisimulan nilang ilalabas ang mga sasakyan na nairehistro na mula Enero hanggang Hunyo 2019.

Pinayuhan din nila ang mga registered owner na tingnan sa kanilang webite na www.lto.net.ph kung kasama ang kanilang plaka ng sasakyan na inilabas kahapo, Dis­yembre 2.

Matatandaang noong Marso ay bumili ang LTO ng license-plate making robot para mabawasan ang backlog ng mga plaka na nasa walong milyon mula pa noong 2014. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.