HETO. Pansinin ninyong mabuti ang mga sasakyan na bumabaybay araw-araw sa ating mga lansan-gan. Karamihan ay walang plaka. Gamit lamang ay ‘conduction sticker’ at pansamantalang plaka na na-kalagay ay ‘registered vehicle’. Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMI), ang kabuuang sasakyan na naibenta sa ating bansa ay umakyat ng 10,083 nitong buwan ng Ok-tubre mula sa 9,721 noong buwan ng Setyembre. Sigurado ay dadami pa ito bago matapos ang taon.
Ayon naman sa Land Transportation Office (LTO), tila nahihirapan sila sa dati nilang pangako na mawawala ang backlog ng suplay ng car plates pagsapit ng Oktubre 2019 at aabot daw ito sa kalagitnaan ng susunod na taon.
Ang pinag-uusapan natin dito ay ang mga sasakyan na wala pang plaka hanggang ngayon na nabili mula 2013 hanggang 2016. Sabi pa ng LTO, nakagawa na sila ng mga bagong plaka ng sasakyan na mahigit 1.7 million noong buwan ng Mayo. Nagtataka lang ako dahil may mga sasakyan ako na modelo 2014 at 2015, subali’t mabilis akong nakakuha ng mga plaka.
Kaya nasabi ko ito dahil tila ang problema ng LTO tungkol dito ay mukhang pinagsasamantalahan ng ibang motorista. Nagpapanggap na wala pang opisyal na plaka at ginagamit ang numero ng kanilang conduction sticker upang makaiwas sa number coding ng MMDA.
Sa madaling salita, ang ibang motorista na mayroon nang opisyal na plaka ng LTO ay pinapalitan ng ‘temporary’ plate na kung saan ginagamit ang dulong numero ng kanilang conduction sticker upang makaiwas sa number coding. Halimbawa ang dulo ng kanilang LTO na plaka ay ‘2’, tinatanggal nila ito tuwing Lunes at naglalagay ng ‘temporary plate’ na kung saan ang dulo ng kanil-ang conduction sticker ang ginagamit na hindi ‘1’ o ‘2’ ang dulo.
Pansinin ninyo sa lansangan. May mga lumang modelo ng Toyota Innova na hanggang ngayon ay nakapaskil pa ang ‘tempo-rary plate’ o ‘registered vehicle’. Samantala, may nakikita na tayong mga ba-gong modelo ng Innova na may opisyal ng plaka ng LTO na nagsisimula sa letrang ‘N’.
Ibabalik ko muli ang dami ng mga nabiling sasakyan nitong taon. Idagdag pa natin ang libo-libong sasa-kayn na nabili mula 2013 hanggang sa kasalukuyan. Kung mahigit kalahati ng mga 2013 hanggang 2016 na modelong sasakyan ay ginagawa itong modus na pagpalit ng temporary plate upang makaiwas sa number coding, talagang walang saysay ang nasabing polisya upang mabawasan ang bilang ng sasakyan sa lansangan. Hindi kataka-taka na kahit ano pang gawin ng MMDA, LGU at HPG upang ayusin ang trap-ik ay bigo pa rin sila. Sobra talaga ang dami ng mga sasakyan sa lansangan!
Ang dami kong nakikita na ganito ang modus sa EDSA. Bakit hindi ito bigyang tuon ng MMDA, HPG at LTO? Sana ay higpitan din nila ang polisiyang ito. Baka nakakalimutan natin, kapag napatunayan na peke ang inyong plaka o hindi nakakabit ang opisyal na LTO na car plate, maliban sa mabigat na penalty, maari pang ma-impound ang inyong sasakyan at kasuhan kayo ng estado. Paalala lang po.
Comments are closed.