MARIING itinanggi ng Learn To Trade (LTT) Philippines ang mga paratang ng ilang dating empleyado nila na nasa trading securities ang LTT at hindi umano ito nakarehistro sa bansa.
“Ang LTT ay nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) at nakasunod sa lahat ng alituntunin na itinalaga ng batas at mataimtim na sumusunod sa mga regulasyong itinakda ng ating batas,” ayon kay atty. Herschel Magracia, legal counsel ng LTT.
Ipinaliwanag ni Magracia na ang pangunahing layunin ng LTT ay turuan at gabayan ang mga kliyente ng LTT sa currency exchange trading at hindi ang direktang makibahagi sa nasabing kalakalan.
Sinabi ni Kimberly Go, isa sa mga kliyente ng LTT, na nag-enrol siya sa Learn To Trade upang matutuhan ang kalakalang pang-pinansiyal.
“LTT has taught me the basics of forex market and gives me access to their webinars and on-site lectures ng forex market,” sinabi pa ni Go.
Isa namang senior coach ng LTT na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabi na, “ang dalawang dating empleyado ng LTT ay ignorante at hindi nalalaman ang kanilang mga akusasyon na pawang mga mali at walang basehan.”
“Ang LTT ay hindi broker o isang trading company kung hindi nakatuon sa pagtuturo sa kanilang mga kliyente upang maintindihan ang kalakalang pinansiyal,” ayon sa senior coach ng LTT.
Sinabi niya pa na bilang coach, limitado ang kanilang tungkulin sa pagtuturo at konsultasyon lamang sa kanilang mga kliyente at hindi upang mag-solicit ng pera mula sa kliyente upang isali sa securities trading para sa kanilang mga kliyente.
Sa kabilang dako, ang kontrata ng kliyente sa LTT ay hindi nagsasaad na ang mga coach ang direktang makikipagkalakalan sa financial market gamit ang pera ng kanilang mga kliyente. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.