NAGBUHOS si Serge Ibaka ng 22 points at 10 rebounds at nagdagdag si Fred VanVleet ng 20 points upang pangunahan ang Toronto Raptors sa 115-106 panalo laban sa Indiana Pacers para sa kanilang franchise-record 13th consecutive win.
Ang Raptors ay hindi pa natatalo magmula noong Enero 15 at pinataob ang Pacers sa ikalawang pagkakataon sa tatlong araw.
Nakalikom si Domantas Sabonis ng 19 points at 16 rebounds upang pangunahan ang Pacers. Nag-ambag si Victor Oladipo ng 15 points at 4 assists sa kanyang unang home start magmula nang bumalik mula sa injured right knee.
Ang Indiana ay natalo ng apat na sunod at tatlong sunod sa home.
THUNDER 108, PISTONS 101
Tumabo si Chris Paul ng 22 points at nagdagdag si Shai Gilgeous-Alexander ng 21 upang tulungan ang Oklahoma City Thunder na igupo ang Detroit Pistons noong Biyernes ng gabi.
Umiskor si Danilo Gallinari ng 19 points, habang tumipa sina Dennis Schroder ng 18 at Steven Adams ng 16 para sa Thunder, na nanalo ng siyam sa 10.
Kumana si dating Thunder guard Reggie Jackson ng season-high 28 points para sa Detroit. Nag-ambag sina Christian Wood ng 27 points at Thon Maker ng season-high 19 para sa Pistons.
Ito ang unang laro ng Detroit magmula nang i-trade si Andre Drummond sa Cleveland Cavaliers. Si Drummond ay isang two-time All-Star na nangunguna sa liga na may 15.8 rebounds per game.
Hindi naglaro si Detroit’s leading scorer Derrick Rose dahil sa strained left hip. Dahil sa trade at injuries, si Pistons coach Dwane Casey ay may siyam na players lamang.
Bumuslo ang Oklahoma City ng 54.3% sa first half upang umabante sa 52-47 sa break.
WIZARDS 119, MAVERICKS 118
Naipasok ni Bradley Beal ang isang layup, may 0.2 segundo ang nalalabi, upang maabot ang 29 points at igiya ang Washington Wizards sa panalo laban sa Dallas Mavericks, na nalasap ang ikatlong kabiguan sa limang laro na wala si Luka Doncic.
Ang kabayanihan ni Beal ay naganap makaraang makakuha si Mavericks guard Tim Hardaway Jr. ng blocking foul at naisalpak ang isa sa dalawang free throws, may 1.8 segundo ang nalalabi. Si Beal ay 11 of 28 mula sa field.
Naipasok ni Washington ang 19 sa 38 3-pointers. Si Davis Bertans ang responsable sa lima rito at tumapos na may 20 points.
Nanguna si Seth Curry para sa Mavericks na may 20 points mula sa bench.
CELTICS 112, HAWKS 107
Kumamada si Jayson Tatum ng pitong 3-pointers at umiskor ng 32 points upang tulungan ang Boston na mamayani laban sa Atlanta.
Ito ang ika-8 sunod na laro ni Tatum na tumipa siya ng hindi bababa sa 20 points. Nagdagdag si Enes Kanter ng 16 points at 15 rebounds. Gumawa si Romeo Langford ng 16 points mula sa bench para sa Boston na naiposte ang ika-6 na sunod na panalo.
Umabante ang Atlanta sa halftime sa kabila na may siyam na players lamang na available at naglaro na wala sina Trae Young, DeAndrew Bembry, Cam Reddish at Bruno Fernando. Subali nagkumahog ang Hawks para makaiskor sa to second half.
Sa iba pang laro ay binomba ng Phoenix Suns ang Houston Rockets, 127- 91; at pinalamig ng Sacramento Kings ang Miami Heat,105-97.
Comments are closed.