Mga laro bukas:
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. – Perpetual vs San Beda (Men)
4 p.m. – Mapua vs JRU (Men)
SINAKMAL ng defending champion San Beda ang ika-14 na sunod na Final Four appearance sa pamamagitan ng wire-to-wire 91-76 win laban sa San Sebastian sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nagbuhos si James Canlas ng 20 points, 5 assists at 4 rebounds habang limang iba pang players ang umiskor ng double digits para sa Red Lions, na 13-0 na sa season at nanalo ng 27 sunod magmula pa noong nakaraang taon.
Pormal na kinuha ng San Beda ang isang semis spot makaraang mabigo ang College of Saint Benilde sa Letran sa ikalawang laro.
Nalusutan ng Knights ang malamyang second period upang gapiin ang inaalat na Blazers, 87-74, para sa kanilang ika-9 na panalo sa 13 laro.
Ang panalo ay naglapit sa Letran ng kalahating laro sa second running Lyceum of the Philippines University, na may 9-3 kartada.
Makaraang simulan ang season sa 0-5, sa wakas ay umabot ang Mapua sa .500 mark sa unang pagkakataon at lumakas ang kampanya ng Cardinals para sa Final Four sa 93-67 pagdurog sa Arellano University.
Isang Final Four regular magmula noong 2006, ang tagumpay ng Lions ay hindi matutularan.
“It was a cumulative effort,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez patungkol sa pinakamatagumpay na men’s basketball program ng liga. “I’m just happy the boys responded in every game that we are. I just want to appreciate the boys.”
Tumabo si Cameroon’s Donald Tankoua ng 18 points at 7 rebounds, tumipa si Calvin Oftana ng 15 points, 8 boards at 4 assists, at gumawa si AC Soberano ng 14 points sa reserve role para sa Lions.
Nagtala si Evan Nelle ng 11 points at pinangunahan ang opensa ng San Beda na may pitong assists, habang nagdagdag si Clint Doliguez ng 10 points.
Iskor:
Unang laro:
San Beda (91) – Canlas 20, Tankoua 18, Oftana 15, Soberano 14, Nelle 11, Doliguez 10, Bahio 2, Cuntapay 1, Abuda 0, Alfaro 0, Cariño 0.
SSC-R (76) – Ilagan 16, Bulanadi 14, Calahat 12, Sumoda 9, Capobres 8, Calma 7, Desoyo 4, Cosari 3, Altamirano 3, Villapando 0, Isidro 0, Loristo 0.
QS: 30-17, 51-43, 71-62, 91-76
Ikalawang laro:
Letran (87) – Ular 20, Yu 19, Batiller 13, Muyang 10, Balanza 8, Ambohot 6, Caralipio 5, Olivario 4, Mina 2, Balagasay 0, Reyson 0, Javillonar 0.
CSB (74) – Haruna 19, Gutang 9, Dixon 7, Carlos 6, Leutcheu 6, Naboa 6, Young 6, Belgica 6, Sangco 4, Nayve 3, Flores 2.
QS: 24-17, 36-40, 64-61, 87-74
Ikatlong laro:
Mapua (93) – Serrano 15, Gonzales 14, Garcia 12, Lugo 11, Bonifacio 11, Victoria 10, Nocum 5, Buñag 4, Aguirre 4, Gamboa 3, Salenga 2, Jabel 2, Nieles 0, Dela Cruz 0.
Arellano (67) – Salado 23, Alcoriza 14, Espiritu 7, Sunga 6, Concepcion 3, Bayla 3, Arana 4, Sablan 3, Talampas 3, Segura 2, Sacramento 0, De Guzman 0.
QS: 19-15, 42-33, 69-52, 93-67
Comments are closed.