LUGAR NA KONTAMINADO NG RED TIDE NADAGDAGAN PA

EASTERN SAMAR – DAHIL sa patuloy na pag-init ng panahon bunsod ng El Nino, nadagdagan pa ang mga karagatang kontaminado ng red tide toxin.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), apektado na rin ng paralytic shellfish poison ang karagatan ng Milagros sa Masbate, San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay.

Una nang inalerto ng BFAR ang publiko na positibo sa red tide ang baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Lianga Bay sa Surigao del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte

Dahil dito, pinagiingat ang publiko sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti.
PAULA ANTOLIN