(Lugi dahil sa COVID-19) 35K HSBC WORKERS SISIBAKIN

Noel Quinn

ISTANBUL – Plano ng United Kingdom-based financial group HSBC na bawasan ang staff nito mula 235,000 sa 200,000 sa buong mundo dahil sa pagkalugi sanhi ng coronavirus outbreak at mga protesta sa Hong Kong.

“HSBC’s performance last year was ‘resilient’ and it decided to revise its plans to boost returns and sustainable growth,” wika ni Noel Quinn, ang chief executive ng grupo, sa annual report ng bangko.

“Reported profit attributable to ordinary shareholders down 53 percent to USD6 billion,” nakasaad sa report.

Ayon kay Quinn, plano ng bangko na bawasan ang operating costs sa 10-15 percent at magpokus sa mobile clients, digital investments at unsecured lending.

Sa panayam ng Financial Times, sinabi ni Quinn na plano ng bangko na magtanggal ng 35,000 empleyado sa susunod na tatlong taon.

“Since the start of January, the coronavirus outbreak has created significant disruption for our staff, suppliers, and customers, particularly in main-land China and Hong Kong,” sabi pa ni Quinn sa report.

“Group reported profit before tax was down 33 percent compared with 2018, due to a goodwill impairment of USD7.3 billion,” dagdag pa niya.

Nais din, aniya, ng HSBC na mabawasan ang gross risk-weighted assets ng  USD100 billion,  gayundin ang costs ng USD4.5 billion sa loob ng tatlong taon.

Sinisi rin ni Mark Tucker, ang chairman ng grupo, ang mga protesta sa Hong Kong sa report, at sinabing: “Social unrest in Hong Kong has weighed on the local economy and caused significant disruption.”

Comments are closed.