LUGI SA AGRIKULTURA UMABOT NA SA P3 BILYON DALA NG TAAL ERUPTION    

taal

UMABOT na sa P3.06 bilyong halaga ng mga pananim at mga hayop ang nalugi sa pagsabog ng Taal Volcano ayon sa report ng Department of Agriculture (DA) kamakailan, habang iba’t ibang grupo na ang nagdadala ng relief sa mga na-kaligtas.

May 6,000 tilapia at bangus cages sa Taal Lake na kinuwentang may pinakamalaking bahagi ng pinsala na umabot sa P1.6 bilyon, sabi ng DA.

Ang iba ay nalugi mula sa 1,900 hayop at plantasyon ng kape, cacao, pinya, prutas at gulay, bigas at niyog sa Batangas, Cavite at Laguna, sabi ng ahensiya.

Nauna nang nag-deliver ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng 20 sako ng animal feeds, drugs at medicine, habang ang Philippine Carabao Center ay nagbigay ang National Dairy Authority ng 2.5 tonelada ng  animal feeds.

Samantala, magbibigay ang Nueva Vizcaya Agricultural Terminal ng 10 tonelada ng iba’t ibang klase ng gulay na darating sa Lipa City ngayong araw, ayon sa DA.

Ang League of Associations, na binubuo ng magsasaka at traders sa La Trinidad, Benguet ay magbibigay ng trak at mangongolekta  ng gulay para sa evacuees simula kahapon, Biyernes.

Pahayag ni Duterte kamakailan na namigay na ng inisyal na P160 mil­yon sa mga magsasaka at ma­ngingisda sa Batangas.

Maaari ring makakuha ng P25,000 utang na puwedeng bayaran ng tatlong taon na zeo interest, nauna pang sabi ni Agriculture Secretary William Dar.