LUIS AT JESSY ENGAGED NA

luis and jessy

BUMUHOS  ang pagbati   ng mga kasamahan sa showbiz industry, mga kaibigan at tagahanga ng magkasintahang  Luis Manzano at aktres na si Jessy Mendiola nang ianunsiyo ng mga ito na sila ay engaged na.

Inianunsiyo ng celebrity couple ang kanilang engagement sa kanilang post sa Instagram.

Sa ipinost na larawan ni Jessy kasama si Luis ay may caption na “YES. ❤ #JessGotLucky.”

Makikita rin sa larawan na suot na ng aktres ang engagement ring.

Ibinahagi rin ni Luis sa kaniyang IG account ang larawan nila ni Jessy.

Ilang taon na ring magkasintahan ang dalawa at mistulang magkakaroon na ng katuparan ang inaasam ng actress-politician Vilma Santaos-Recto na lumagay sa tahimik ang anak at magkaroon na ng mga  apo.

Si Luis, 39, ay ilang taon nang vocal sa kagustuhang pakasalan si Jessy, 28.

Comments are closed.