LUIS MANZANO HANDA NA NGA BANG MAGPAMILYA? (May mga plano ang “Pambansang Host” oras na matapos ang pandemic. Kasama na kaya rito ang pagkakaroon ng anak?)

luis and jessy

ILANG buwan na ang lumipas matapos ikasal ang Kapamilya host na si Luis Manzano sa aktres na si Jessy Mendiola at marami sa mga tagahanga nila ang nag-aabang sa balita kung kailan sila magsisimulang bumuo ng sariling pamilya.

“We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to crying babies. Wallpaper niya right now sa kanyang phone is what we believe our child would look like,” kuwento ni Luis sabay buong pagmamalaking ipinakita ang cute na cute na photo ng isang batang babae.

May napagkasunduan na rin silang ipapangalan dito – Emma o Ocean kung babae at Luke kung lalaki. “When we hear the name Emma, naiisip namin ‘yung tisay na naka-pigtails tapos ang pula-pula ng cheeks. Ocean naman because we love the ocean. We’re divers, we want to eventually live by the sea… ‘Yung pangalang Luke, it’s a bit of a play on Lucky [my nickname] and also a bit of a ‘Star Wars’ thing.”

Pero maghihintay pa si Luis na matapos ang pandemya bago mangyari ito.  Kasama ito sa listahan ng mga unang bagay na gagawin niya post-pandemic. “I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel.”

#JESSGOTLUCKY

Magkaganoon man, bakas sa mukha ni Luis na masayang-masaya siya sa buhay may asawa. Bagay na muntik nang hindi mangyari. Napabalita kasi noon na naghiwalay na sina Luis at Jessy at kinumpirma rin nila ito sa vlog ng huli. Nangyari ang hiwalayan bago ang kanilang engagement noong 2020.

“Siguro we were getting on each other’s nerves nung pandemic. Umabot sa point na we would constantly fight. Then we realize it’s the stress getting to us. Eventually, we found each other again at kung ano ‘yung kina in love-an namin sa isa’t isa.”

Ikinasal si Luis kay Jessy sa isang intimate ceremony noong February 21 sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

May pagkakaiba kaya kung ikinasal sila sa panahong hindi pandemic? “I think with how happy we are right now, I wouldn’t want to consider anything else,” sagot ni Luis.

BAGONG SIMULA

Samantala, katatapos lamang ni Luis gawin ang ‘I Can See Your Voice’ at ang ‘Your Face Sounds Familiar’.  Nakatutok muna ito sa pagbuo ng mga konsepto para sa kanyang YouTube channel na ‘LuckyTV’. Mayroon din siyang inaasikasong ilang negosyo na kabilang sa essentials tulad ng transport taxi at gasolinahan.

Higit sa lahat, may bagong role si Luis sa ilalim ng nangungunang health care company sa bansa, ang Unilab. Ito ay ang pagiging health advocate para sa leading flu medicine, ang Bioflu. “Kapag may trangkaso ako, ramdam ko ang lahat ng sintomas – lagnat, sakit ng katawan, ubo’t sipon. It is so hard for me to function when I have the flu, as in talagang bed rest, bagsak,” paglalarawan ni Luis.

Nagkuwento rin ito ng isang pangyayari kung saan natulungan siyang bumangon at makapagtrabaho matapos uminom ng gamot. “It was the grand finals of a reality show on TV and I was the main host. The night before that, tinamaan ako ng trangkaso. That’s when I turned to Bioflu para the next day, tanggal lahat ng flu symptoms and I get to be me. I get to be at my optimum.”

Bukod kay Luis, marami ang nagtitiwala sa Bioflu para makabangon mula sa trangkaso. “We have to admit, there are some na if they don’t go to work, they don’t get paid. Kumbaga, they are very reliant on their income for that particular day, especially at this time na marami ng nawalan ng trabaho o naging unstable ang kanilang pinagkakakitaan. That’s why a lot of people fall back on a trusted brand like Bioflu to be able to get back on their feet and to be able to do what they need to do for themselves and their family. At doon ko rin nakita ang value ko bilang isang brand ambassador ng isang produktong katulad ng Bioflu. I am representing a product na talagang makakatulong sa mga taong bumangon, lalo na sa panahon ngayon.”

Batid ni Luis kung gaano kaimportante and pagbangon sa lahat ng bagay, hindi lamang sa sakit kundi pati na rin sa hamon ng buhay. Tulad na lang ng hindi nila pagsuko sa isa’t isa ni Jessy na ngayon ay asawa na niya. Maaaring kailangang maghintay pa muna bago nila maisakatuparan ang pangarap na baby pero pansamantala, masaya si Luis sa kanyang bagong pamilya, ang Unilab, at sa bagong role na kanyang gagampaman.

22 thoughts on “LUIS MANZANO HANDA NA NGA BANG MAGPAMILYA? (May mga plano ang “Pambansang Host” oras na matapos ang pandemic. Kasama na kaya rito ang pagkakaroon ng anak?)”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *