LUIS MANZANO MAY PUSO ANG PAGNENEGOSYO

ISA si Luis Philippe Santos Manzano o tinatawag din sa palayaw na Lucky, sa mga showbiz celebrities na maganda na ang buhay at nakahanda na ang kinabu­kasan.

Mula nang pasukin niya ang mundong ginagalawan ng kan­yang mga magulang—ang mul­ti-awarded Star for All Seasons Vilma Santos at award-winning actor, TV host Edu Manzano—tuloy-tuloy ang pagbulusok ng kanyang career sa pagiging artista, TVC endorser at higit sa lahat ang pagiging magaling na TV host. Karibal na raw siya ngayon ng kanyang ama.

Kahit pa sabihing nakabuti ang pagiging isang anak ng ce­lebrity parents, Luis proved to all and sundry that he could have an identity of his own as shown by what he has achieved in showbiz all these years.

To date, marami na ring natanggap na awards si Luis, at ilan sa mga ito ang Gawad SURI Award for Best Support­ing Actor; Gawad TANGLAW Award for Best Supporting Ac­tor; GMMSF Box-Office Enter­tainment Award for Film Actor of the Year (shared with John Lloyd Cruz); PMPC Star Award for Movies for Movie Support­ing Actor of the Year; PMPC Star Award for Best Game show Host, Best Talent Search Pro­gram Host, Best Male TV Host, at marami pang iba.

Maraming nagsasabi na magaling humawak ng panana­lapi si Luis at isang pruweba rito ay ang pagkakaroon niya ng negosyo. While some of his peers are going into restaurant business, Luis is into transpor­tation services wherein he is an owner/partner of hundreds of taxicabs, LBR (L for Luis or Lucky, B for Bobby and R for Rod) plying the streets of Metro Manila.

Halos siyam na taon na ang negosyong ito ni Luis pero with humility, sinasabi pa rin niya na “long way to go pa.”

LBR JOINS PINK4 PROJECT

Alam sa industriya na si Luis ay isa sa mga artistang matulungin at may adbokasiya. Kaya gumawa siya ng paraan kung paano siya makakapag-pay back sa kanyang taxi riders.

Nagkaroon ng significance ang kulay ng kanyang taxi kung bakit mahigit kumulang na 60 sa kanyang units ay isi­nali niya sa Land Transporta­tion Franchising and Regula­tory Board’s (LTFRB) Pink4 Project na nagbibigay ng prayoridad ng sakay para sa mga kababaihan, bata, senior citizens at persons with disabilities during rush hours.

Nagsagawa pa ang LBR Transport Inc. ng motorcade ng kanilang pink taxis mula sa main office ng LTFRB sa East Avenue hanggang Quezon Memorial Cir­cle sa Quezon City at balik sa opisina ng LT­FRB para sa paglulun­sad ng proyekto.

Paano ito malala­man na kasali sa Pink4 Project?

Ang LBR taxi ay mag­tataglay ng pink stripes sa body ng unit ng taxi at dobleng pink ribbon sa top lights nito. Magsusuot din ang driver ng pink na shirts na may kuwelyo.

Prayoridad ng LBR taxi ang mga pasahero sa shopping malls at iba pang lugar na pam­publiko o kaya ay ‘pag tumata­wag sila ng sasakyan sa kalye sa Kamaynilaan.

“So, sa mga malls, sila ‘yung priority ‘yung time na ‘yun. At kaya pink kasi nu’ng time na nasa Bangkok (Thai­land) kami rati, ang nakita kong taxi ay yellow at green na na­kasanayan na natin, at least ito, kapag nakita mong pink, 99.95 alam mong LBR ‘yun.”

Dagdag paliwanag ni Luis tungkol sa kulay na pink ng kan­yang taxi, malalaman daw agad na sa kanila ‘yun. Kaya nga rin sila kinuha agad ng LTFRB para sa kanilang pink advocacy.

Hindi lamang negosyo ang iniisip ni Luis, kundi isang ad­bokasiya kung saan masasabi na siya ang may business with a heart.

Dahil sa sinimulang ito ng LBR, may bus company rin na sumali sa Pink4 Project ng LT­FRB, may mga jeep na bumibi­yahe ng Pateros-Guadalupe ang sumali na rin sa Pink4 Project.

MAY KONTING EPEKTO ANG PAGPASOK NG TNVS

Sa pagsulpot ng mga trans­port network vehicle services (TNVS) tulad dati ng Uber at Grab, inamin ni Luis na nag­karoon din ng konting epekto sa kanilang negosyo dahil mas gusto ngayong sinasakyan ng commuters kasi feeling safe sila.

“May konti, kasi ‘yung sa amin naman, we’re providing the same services, they’re pro­viding transportation from point A to point B, so kung baga, bakit namin kailangan ng maha­bang process para magpatakbo ng isang taxi? ‘E, samanta­lang sila (Uber at Grab), hindi pa accredited dati, ngayon na lang sila (na-accredit), tapos bakit sila app (application) lang? Samantalang we’re providing all the same services.”

“Yes, we under­stand, paminsan-min­san, admittedly, may mga malokong drivers at the same time, marami rin akong naririnig na maganda rin naman tungkol sa driv­ers namin, but basically, only one in level plain field, ‘yun lang ‘yun,” katuwiran ni Luis.

Maganda ang tak­bo ng taxi business ni Luis Manzano. Isa na siya ngayon sa top taxi operators sa Pilipinas. At dahil sa magandang management, marami ang naglili­patang mahuhusay na drivers sa LBR taxi ni Luis mula sa iba’t ibang operators.

PAPASUKIN NA RIN ANG FOOD BUSINESS

Nag-iisip na rin si Luis na pumasok sa ibang negosyo at malamang na may kinalaman sa hilig niya sa iba’t ibang uri ng pagkain.

Kung papasukin niya ang food business na malamang uumpisahan anytime, magaga­mit na ni Luis ang Hotel and Restaurant Management na tinapos niya sa kolehiyo sa De La Salle College of St. Benilde.

“Well, kailangang pag-aralan ko muna ang ins and outs ng food business. Although may idea na ako pero kailangan madagdagan pa,” kuwento ng premyadong TV host.

Sa ngayon ay gusto niyang matutuhan ang tamang paglu­luto ng isang putahe na matagal na niyang sinusubukang gawin.

“Salpicao Pasta is a per­sonal favorite of my mom, my brother and my Tito Ralph (Recto). I tried cooking it several times but there were few hits and misses,” ani Luis.

Ipinagmamalaki niya ang nakukuha niyang dagdag kaala­man mula kay Chef Erns (Gala) habang willing pa siyang patu­loy na mag-aral para sa katu­paran ng food business na pangarap niya.

“This might be the star of a long-term partnership with my friend chef Erns and I look forward to learning more from him,” banggit pa rin ng panga­nay ng Star for all Seasons.

Lahad pa ni Luis, ang kan­yang Mommy Vi raw ang isa sa nag-udyok sa kanya na pasukin ang food business.

“Si Mommy kasi, gusto niya na gamitin ko ‘yung na­tapos kong Hotel and Restaurant Manage­ment. Well, let us see,” say pa ng binata.

Nasa restaurant business din daw ang kanyang Tita Emilyn na kapatid ni Ate Vi.

Alam ng lahat na kalog, makulit at palabiro si Luis. Kaya mayroon siyang punch line na ganito, “Pero ang pinakamalaking negosyo ko is ‘yung kaguwapu­han ko, and so far ha, walang kalugi-lugi! Hakot lang nang hakot ha. Mukha at laman!”

Inamin niya na ang taong 2014 daw ang masayang taon para sa kanya dahil marami si­yang nagawa, “I’ve been very, very blessed in every aspect of my life—from family to busi­ness to showbiz work to love.”

Sinabi niya na malaki ang naitulong ng 2014 sa buhay niya bilang isang tao kung saan nagkaroon siya ng “maturity from within.”

“It’s basically me, e. Kum­baga, I’d like to think that I didn’t really change, I just learned to appreciate every­thing and everything more as a person and as an artist.

“You have to grow as a person to realize that there is so much more positivity, that yes, you have to appreciate anything and everything, appreciate posi­tivity.”

Nang tanungin kung ano ang naalala niya na pinakama­hirap na pinagdaanan niya, “Looking back, wala naman, wala naman.”

Hindi na kailangang bang­gitin ang failed relationships dahil masaya siya ngayon sa kanyang lovelife with girlfriend Jessy Mendiola.

FOCUS ON HIS HEALTH AND FITNESS

Sa ngayon, patuloy na siniseryoso ni Luis ang kanyang kalusugan at pagpapaganda ng katawan. Pipilitin daw niya na hindi maging mahilig sa ma­tatamis.

“In terms of something deeper, siguro I think, I could work harder. Alam ko na kung paano ako magtrabaho, pero I think na I could start being a bit more hardworking.”

“Kaya pa, e. Alam ko kaya pa, e. Kahit sinasabi nila min­san, grabe ‘yung schedule ko, pero alam kong, kaya pa.”

Bukod dito, lagi niyang sinasabi na handa na raw siya para mag-settle down with the love of his life, pero hini­hintay lamang daw niya ang tamang panahon, pinagbibig­yan muna daw niya na ma-enjoy ni Jessy ang kanyang career. Naiinip na rin daw ang kanyang mga magulang dahil gusto nang magkaroon ng apo. EVELYN DIAO

Comments are closed.